{googleads center}
Aabot sa 500 na buto ng puno ng cacao ang itinanim sa Barangay Anahao sa Odiongan ng mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr. nitong umaga ng Martes, October 10.
Kasamang nagtanim ng mga kapulisan ang mga mga tauhan ng Romblon Provincial Public Safety Company (RPPSC), mga empleyado ng Provincial Government Sub-Office, Provincial Health Office, LGU-Odiongan, estudyante ng ESTI, Barangay Officials ng Barangay Anahao, mga miyembro ng Tablas Motorycle Riders Club, at ilang drug surrenderers ng Barangay Anahao.
Ayon kay Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., ang nasabing tree planting activity ay simultaneous sa iba pang bahagi ng Romblon na naglalayon na makapag-tanim ng aabot sa 5000 puno bawat munisipyo.
Ang lugar kung saan itinanim ang mga nasabing cacao seedlings ay personal na ininspeksyon ni Governor Eduardo Firmalo para masigurado ang magiging kalidad ng mga nasabing puno paglaki nito.
Samantala, Sa bayan ng Romblon, Romblon, aabot naman sa 400 puno ang pinagtulungang itanim ng mga kawani ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Philippine Coast Guard, BFP, at Romblon Police Provincial Office sa bulubunduking lugar ng Barangay Lonos.
Nilalayon ng aktibidad na ito na matamnan ang mga nakakalbo ng kabundukan upang maiwasan ang pagguho ng lupa sa naturang lugar.