“Empowered communities that promote sustainable development and good governance of natural resources through transparency and accountability in the extractive industries.”
Ito ang Vision ng Bantay Kita, isang NGO na binubuo ng mga miyembrong mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan, na nagkaroon ng isang Training Workshop patungkol sa Philippine Extractive Industry Transparency Initiative (PH-EITI) sa Villa M Resort, Brgy. Camandag, Looc, Romblon noong September 16, 2017 na dinaluhan ng mga representante mula sa Romblon State University, Marinduque State College at Local Media.
Layunin ng Training Workshop na ito na ipagbigay alam sa mga dumalo ang pangkasalukuyang estado ng Extractive Industry sa bansa. Binigyang daan din ng Training Workshop ang pagbubukas ng kamalayan ng mga dumalo sa naturang industriya na kung saan ipinakita na 0.42% lamang ang iniaambag nito sa ating Gross Domestic Product (GDP) noong 2013, base sa kanilang nakalap na datos. Ipinakita rin dito ang 7-step Guide in Empowering Communities in Environmental Monitoring na naglalayong magbibigay daan upang mas mabantayang maigi ng komunidad ang kanilang kapaligiran at sa mga lugar na apektado ng mapanirang pagmimina.
Gayun pa man, ang naturang NGO ay nakatayo sa “Neutral” na kung saan, kasama sila ng komunidad sa adbokasiya na merong kaugnayan sa Extractive Industry. Binibigyang linaw ng naturang NGO na dapat sapat ang naibabalik sa komunidad kapalit ng mga nahukay na yaman dahilan upang maging hadlang sa pagkakaroon ng sustainable development sa mga lugar na merong pagmimina at angkop na pagbabayad ng buwis ng mga ito.
Sa pagtatapos, nagbigay ng synthersis si Dr. Merian C. Mani, Presidente ng Marinduqe State College at miyembro ng Board of Directors ng Bantay Kita.