Kabilang ang Romblon sa mga probinsya sa bansa na mayroon na umanong authorized agent corporations (AACs) para makapag-operate ng small-town lottery (STL).
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Florante Solmerin, mayroong 92 authorized agent corporations (AACs) sa buong bansa at tanging 73 lamang rito ang nago-operate sa ngayon.
Ang AACs ay ang mga authorized agents na binigyan ng PCSO ng permit para mag-laro at mag-operate ng STL.
Sinabi ni Solmerin na target ng PSCO na maabot ang kanilang target na kitang P27 billion ngayong taon.
Ngunit kahit mayroon ng AAC sa Romblon para mag-operate ng STL, wala parin itong operation sa probinsya ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Maliban sa Romblon, ang ilan ring lugar na may approved AACs na hanggang ngayon ay hindi nago-operate ay sa mga lugar ng South Cotabato, National Capital Region (NCR) eastern district, Camiguin, Quirino province, Siquijor, NCR western (Manila), Kalinga, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Ifugao, Compostela Valley, Agusan del Sur, Sarangani, Masbate, Cotabato City, Davao del Sur, Davao Oriental at Cebu City.
{googleads center}