Panauhing pandangal si National Economic and Development Authority Undersecretary for Regional Development Office, Dr. Adoracion M. Navarro sa ginanap na Roadshow sa Odiongan, Romblon ngayong araw, September 28.
Sa keynote speech ni Navarro, sinabi niyang maraming nakapilang project para sa MIMAROPA lalo na sa Romblon na kasama sa Regional Development Plan 2017-2022 na inilunsad rin nila ngayong araw sa Romblon.
Nabanggit ni Navarro ang planong pagkakaroon ng Romblon International Sea Port, at ang pag-aayos sa mga pantalan sa San Agustin, Magdiwang, at Romblon para sa inter-island connectivity.
Kasama ni Dr. Navarro na bumisita ng Romblon si Presidential Adviser for Southern Tagalog Jose Maria Nicomedes F. Hernandez, at NEDA Regional Director for MIMAROPA Susan Sumbeling.
Sa ginanap naman ng press conference sa Community Outreach Center ng Romblon State University Main Campus, sinagot ni USec Navarro kung ano ang maaring solusyon sa mabagal na internet connectivity sa lalawigan na isa sa mga dapat i-upgrade rin kasama ng development ng isang probinsya.
Ayon kay Usec Navarro na mayroon ng National Broadbrand Program ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ngunit hindi ito agad-agaran kaya dapat parin umano tayong mag-antay.
Kaugnay naman sa Transportation, pwedeng pakialaman umano ng NEDA kapag mayroong unfair practices sa mga pampublikong sasakyan katulad ng mga barko na bumabiyahe sa MIMAROPA.
{googleads center}