Maliban sa mga ginawang coastal cleanup sa Barangay Ligaya at ginawang feeding program sa mga estudyante ng Paulino Fabon Elementary School sa Barangay Dapawan sa Odiongan, Romblon ay sabay-sabay ring nag-donate ng dugo ang mga miyembro ng Alpha Phi Omega bilang bahagi ng kanilang pagdiriwang ng kanilang 35th Local Founding Anniversary nitong August 25.
Sabay-sabay na nagbigay ng dugo ang aabot sa 36 na kanilang miyembro na binubuo ng mga resident at alumni members ng fraternity sa ginawang blood letting activity sa Romblon State University Main Campus.
Isa sa mga nagbigay ng dugo ay si Romblon State University VPAA Elvin Gaac na dati ring Alumni Presidente ng nasabing fraternity.
Sinabi ni Gaac na ang nasabing aktibidad ay isang living testament ng kanilang humble service para sa mga nangangailangan ng dugo sa lalawigan ng Romblon.
Sinabi naman ni Mrs. Alive Fetalvero, Chairperson ng Board of the Philippine Red Cross – Romblon Chapter na nahihirapan sila mag convince ng mga taong gustong mag donate ng dugo ngunit nandito umano ang mga miyembro ng APO, at mga estudyante ng RSU at ilan nilang staff na handang magbigay.
Ibinahagi naman ni Dr. Cervo ng Department of Health na mahalaga ang bawat dugong malilikum sa nasabing aktibidad. Kanya ring ikwinento na minsan rin siyang nangailangan ng dugo at nahirapang maghanap ang kanyang mga pamilyang duguo na para sa kanya.
Na-appreciate umano niya ang ginawang innitiative ng Alpha Phi Omega dahil wala pa umanong ibang organisasyon ang gumawa ng katulad nito.
Sa pangkalahatan, mahigit 50 bags ang nakuha ng Red Cross sa nasabing aktibidad kasama ang dugo galing kay Shavonne Stanek, isang peace corp volunteer na naka-assign sa San Andres, Romblon.
{googleads center}