Idineklara nitong Huwebes, September 28, ng Department of Health ang tatlong bayan sa Romblon bilang rabies-free municipality. Ito ay ang mga bayan ng Banton, Concepcion, at Corcuera na pawang bahagi ng Tres Islas ng lalawigan ng Romblon.
Ang tatlo ay kabilang sa 49 na munisipyo sa buong bansa na idineklarang rabies-free ng Department of Health.
Ayon kay Dr. Mario Baquilod, director ng DOH Disease Prevention and Control Bureau, ang mga nasabing bayan ay nakapagtala ng zero animal and human rabies transmision for at least 3 years in a row.
Sa ginanap na 2017 National Rabies Summit sa Century Park Hotel sa Manila nitong Huwebes, sinabi rin ni Baquilod na ang pagdeklara sa mga nasabing bayan ay pagkilala rin sa mga top-performing local government units (LGUs) na patuloy sa pag implement ng free dog vaccination program, at iba pa.
Noong 2016, nakapagtala ang DOH’s National Rabies Prevention and Control Program ng 209 deaths sa 1,362,998 animal bites sa buong bansa, ito ay 57% percent na mas mataas sa 2015 na datus na umabot lamang sa 783,879 animal bites.
{googleads center}