Bigong makita ng mga rescuers, ang naiulat na isang eroplano na di umanoy bumagsak sa dagat malapit sa Binonga-an, San Agustin, Romblon bandang 8:45 ng umaga sa kasagsagan ng pag-uulan.
Maka-ilang beses na nag-ikot ang mga otoridad sa dagat malapit sa itinuturong pinangyarihan ng pagbagsak ngunit wala silang nakitang sign ng eroplano, debris, or di kaya’y oil spill.
Ang search team ay binubo ng mga tauhan ng Romblon PDRRMO at Romblon MDRRMC, BFP, San Agustin MPS, Provincial Police Office, Maritime Police, Red Cross, at Coast Guard.
Ayon kay San Agustin Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Giovanni Fondevilla Jr. na nakapanayam ng Romblon News Network pagkatapos ng operation, aalamin umano muna nila bukas kung ano ba talaga ang nasabing bumagsak bago sila mag-conduct mula ng search and rescue operation.
Sinabi rin ni Fondevilla na sigurado naman umano ang mga witness na eroplano ang kanilang nakita.
Ayon naman kay Agustina Mago, witness, nakita umano niya at ng kanyang mga kapatid ang pagbagsak ng sinasabing eroplano.
Nag giwang-giwang muna daw ito bago bumagsak, at huli-huli nilang nakita ay ang buntot ng eroplano.
Sinabi naman ng Ceasar Saul Malaya, LDRRMO III ng Romblon, Romblon, may mga natatangap silang report na mga eroplano na dumaan umanong Romblon ngunit kailangan pa nilang i-verify sa mga kalapit na paliparan.
{googleads center}