“This is a most stupid and shameful decision the Congress has ever made,” yan ang mga pahayag ni Dating Romblon Roman Catholic Bishop at ngayo’y Sorsogon Bishop Arturo Bastes patungkol sa desisyon ng House of Representative na bigyan lamang ng P1,000 na budget ang Commission on Human Rights (CHR) sa darating na 2018.
Ang mga nasabing hakbang umano ng kamara ay nagpapakita ng pag-abolish sa isang constitutional provision na nagsisigurado sa proteksyon sa human rights ng bawat tao.
Sinabi ni Bishop Bastes na ang mga mambabatas na pumayag sa P1,000 budget ng CHR “are guilty of violating the Philippine Constitution” at dapat parusahan.
Dagdag pa ng Bishop, ito umano ay isang pangungutya sa demokrasya sa Pilipinas.
“The country will be a laughingstock among nations which have respect for human rights, enshrined by the United Nations and the law of God,” bahagi ng pahayag ng 73-year old na Bishop na nilabas ng Radio Veritas.
{googleads center}