Hindi muna tuloy sa darating na Huwebes, September 21, ang nakatakdang 3rd Quarter Nationwide Earthquake Drill na gaganapin sa MIMAROPA na binubuo ng mga probinsya ng Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang pagkansela sa nakatakdang Earthquake Drill ay dahil sa inanunsyo ni Pangulong Duterte na gawing National Day of Protest ang September 21.
Wala umanong pasok sa lahat ng pampublikong lugar at opisina ng gobyerno na kadalasang pinagdadausan ng mga drill.
Para rin umano ito masigurado na makakadalo ang lahat kung sakaling magkaroon man ng earthquake drill.
Sinabi ng NDRRMC na hindi pa nila alam kung kailan nila muling gagawin ang 3rd Quarter Nationwide Earthquake Drill.
{googleads center}