Pinatunayan ng mga kalahok ng Concepcion Norte Elementary School at Looc National High School ang kanilang husay at galing sa larangan ng Siyensa at Teknolohiya makaraang tangahaling Best Performing School sa ginanap na 2017 Division Science Festival noong Setyembre 11-13 sa Alcantra Romblon.
Sa Sekundarya, nakuha ng Looc NHS ang 208 na puntos na sinundan naman ng Romblon National High School na may 158 na puntos; Corcuera NHS na may 105 na puntos; Don Carlos MMMNHS na may 91 na puntos ; Odiongan NHS na may 64 na puntos at Sta Fe NHS na nakakuha ng 42 puntos.
Sa Elementarya, 43 puntos ang naitala ng Concepcion Norte ES nasinundan ng Odiongan-South Central ES na may 41.5 puntos; Romblon West Central ES na may 33 puntos; Alacantara Central ES na may 32.33 puntos at Mabini ES (San Fernando) na may 31 puntos.
Sa kabuuan, itininghal na kampeon ang Romblon District matapos makakuha ng 271.33 na puntos na sinundan naman ng Looc District na nakapagtala ng 229 na puntos; pumangatlo naman ang San Fernando District na nakakuha ng 186 na puntos; pang-apat ang Odiongan South District na may naitalang 159.5 puntos; panglima ang Corcuera District na may 155 puntos at ika-anim ang Alcantara District na may 89.33 puntos.
Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat sina G. Melchor M. Famorcan, OIC-CID Chief at Education Program Supervisor in Science; G. Roger Capa, OIC- Schools Division Superintendent; G. Rufino Foz, OIC- Assistant Schools Division Superintendent; sa lahat ng mga mag-aaral na nakilahok, mga gurong tagapayo, mga magulang na sumuporta, school heads, district supervisors, at sa lahat ng mga komite ng nasabing programa.
{googleads center}