Posibleng isa lamang drone ang nakitang bumagsak ng mga residente ng Barangay Binonga-an, San Agustin, Romblon sa dagat na malapit sa lugar nila nitong umaga ng Lunes, September 25, ayon sa Philippine Coast Guard.
Ito ay matapos na sabihin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Philippine Air Force (PAF) na kompleto at ‘all accounted for’ ang lahat ng aircraft at walang naiulat na plane crash sa buong bansa.
Sa interview kahapon kay San Agustin MDRRM Officer Giovanni Fondevilla Jr., Giovanni Fondevilla Jr., sinabi nitong magsasagawa muna sila ng verification para tingnan kung kailangan pa ba nilang magsagawa ng operation ngayong araw para maghanap ng di umanoy bumagsak na eroplano o di kaya’y mga survivors.
{googleads center}