{googleads center}
Isang bahay sa Barangay Lawan, Alcantara, Romblon ang nabagsakan ng puno ng sampalok kaninang madaling araw sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan sa lugar dulot ng Low Pressure Area na nasa Silangang Bahagi ng Luzon.
Ayon kay Nonong Marcelo, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng Alcantara, ang bahay ay pagmamay-ari ni Dolores Galang.
Wala naman umanong nasaktan sa pamilya ni Galang nang mangyari ang aksidente at tanging bubong lang ng kanilang kusina ang natumbahan at nasira ng pagbagsak ng puno.
Pinasok rin ng tubig ulan na may kasamang putik ang kanilang bahay dahil sa nasirang bubong.
Sa ngayon, patuloy ang clearing operation ng MDRRMO sa bahay ni Galang para maialis na agad ngayong araw natumbang puno.