Kinumpirma ng Philippine Coconut Authority Romblon na nakapasok na sa probinsya ng Romblon ang coconut scale insect o mas kilala bilang Cocolisap.
Ayon kay Protacio Rubia, Agriculturist II ng Philippine Coconut Authority Romblon, may mahigit kumulang 1000-1500 na puno ng niyog ang apektado ng Cocolisap sa Barangay Pangulo sa bayan ng Calatrava at sa Barangay Carmen sa bayan ng San Agustin.
Ang mga cocolisap isang ‘distructive insect’ na umaatake ng mga puno ng niyog sa pamamagitan sa pagkain sa kanilang mga dahon, bunga, at bulaklak kung saan tanging trunk nalang ng puno ang matitira.
Dagdag ni Rubia, posibleng mayroon pang ibang puno ng niyog na may cocolisap na rin.
Ayon sa Philippine Coconut Authority Romblon, almost 85% ng mga farmers sa Romblon ay naka dipende sa mga puno ng Niyog dahil ito ang pangunahing produkto ng probinsya lalo sa Tablas Island kung saan matatagpuan ang bayan ng Calatrava at San Agustin.
Ang una na umanong ginawa ng PCA Romblon ay inutusan ang mga may-ari ng niyog na magsagawa ng leaf pruning para maiwasan ang pagkalat ng mga cocolisap. Sunod naman ay pupunduhan na umano ito para mas makontrol ang pagkalat.
Nangangamba naman ang mga may-ari ng niyogan katuald ni Arnold Marin na kung noon ay kumikita ng P12,000 sa copra maaring hindi na niya ito kitain sa ngayon.
{googleads center}