Panahon na umano para simulan ang paglipat ng Pilipinas mula sa genset era patungo sa mas sustainable source ng energy supply.
Ito ang mga pahayag ni Department of Energy Secretay Alfonso Cusi sa mga media.
Ayon kay Cusi, dapat magkaroon na umano ng energy infrastructure development sa mga rural areas at island provinces at hindi lang sa mga urban areas.
Panukala ni Secretary Cusi, kumuha ng budget mula sa Malampaya fund para mas pagandahin pa ang mga connections ng elektrisidad sa mga probinsya ng Romblon, Marinduque, at ilan pang island provinces.
Pumirma ng Memorandum of Understanding ang Department of Energy at ang Semirara Mining and Power Corp. para gumawa ng 50-megawwat mine-mouth power plant sa Antique.
Sa 2019 umano ito matatapos at inaasahang magbibigay ng more reliable, secure, at affordable na kuryente para sa mga probinsya ng Occidental at Oriental Mindoro, Romblon, Marinduque, at Palawan.
Makakatulong umano ito para mas ma-improve ang buhay ng mga tao sa mga nasabing probinsya ganun na rin ang edukasyon. Makakapagbigay rin umano ito ng progress sa mga probinsya, na gustong mangyari ng Department of Energy sa mga island provinces.
{googleads center}