Fourten Days (14) bago matapos ang katungkulan ni Armando Aquino bilang Provincial Director ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa lalawigan ng Romblon para lumipat sa Occidental Mindoro, eksklusibo nitong pinagbigyan ang Romblon News Network na makapanayam siya.
Sa pakikipag-usap ng Romblon News Network kay PD Aquino, sinabi nito na walong taon siyang nagserbisyo sa lalawigan ng Romblon mula pa noong 2009 bilang Provincial Director.
Si Aquino ay dating nagtatrabaho sa Central Office bago malipat sa Regional Office ng Region 4 at ma-assign bilang Director sa mga probinsya ng Marinduque, Davao, Cagayan Valley, at hanggang sa malipat sa Romblon.
Ayon kay PD Aquino, isa sa mga pinakamalaking naitulong ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na dumaan sakanya para sa mga Romblomanon ay ang napakaraming scholarship na naipagkaloob ng ahensya sa tulong ni dating Congressman Budoy Madrona.
“Si dating Congressman Budoy, before he left office, nagbigay siya ng P17M [para sa scholarship],” pahayag ni Aquino.
Masaya umano siya dahil maraming natulungan ng Technical Education and Skills Development Authority sa Romblon. Labis ang tuwi niya umano lalo na sa tuwing may nakakausap siyang gumanda ang buhay dahil nagkaroon ng trabaho dahil sa naitulong sa kanya ng TESDA Romblon.
Nagawa niya rin ang TESDA-Romblon na number one provincial office sa buong MIMAROPA, ibig sabihin umano nito ay naabot ng TESDA-Romblon ang kanilang mga goals kada taon.
Ikinatuwa rin ni Aquino ang ginawang hakbang ni Congressman Emmanuel Madrona para magkaroon na ng TESDA Training Centers sa mga bayan ng Odiongan sa Tablas Island, at Cajidiocan sa Sibuyan Island.
Sa paglipat niya ng Occidental Mindoro, mahihirapan umano siyang mag-adjust dahil magsisimula umano ulit siya sa bagong pamilya, at mag-iisip nanaman ng mga bagay para mas mapaganda pa ang probinsya.
“Una kung layunin ay makipag-engage ako sa mga partners kasi sila talaga ang tutulong sa akin, with LGU and private schools, at siyempre ang pakikisama ko sa mga kasama ko internally,” pahayag ni Provincial Director Aquino.
Ang assignment niya umano sa Occidental Mindoro ay huling assignment niya na sa gobyerno.
“Two years nalang, magretire na ako… Ito na ang last ko [Occidental Mindoro]. Balik na akong Manila, nandun kasi ang kamag-anak ko.” dagdag ni Aquino.
{googleads center}