Nailigtas ng mga mangingisda sa Barangay Agpanabat, Romblon, Romblon ang isang sugatang pawikan o green sea turtle ngayong araw.
Ayon sa mga mangingisda, bandang alas-10 ng umaga kanina ng malambat nila ang pawikan, dito nila nakita na may sugat at nakatusok sa leeg ng pawikan.
Dinala ito sa pampang at inilapit sa Bantay Dagat at sa grupo ng PAWIKAN (Pamamalakaya At Wastong Ingat sa Karagatan ng Agpanabat ay Nagkakaisa), isang grupo ng mga nangangalaga sa mga endangered species sa lugar..
Nakita nila na mayroon palang fish hook na may halos 12cm na nakatusok sa leeg ng pawikan. Agad naman nila itong tinanggal.
Ayon sa Bantay Dagat, may haba na 70cm at lapad namang 64cm. Matapos lagyan ng name tag ang pawikan, ibinalik rin ito sa dagat.
Ang green sea turtle ay kabilang sa mga endangered species na makikita sa Pilipinas.
{googleads center}