Binuksan na ngayong araw sa pangunguna ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato De La Peña ang 3-days Regional Invention Contest and Exhibits o RICE sa bayan ng Odiongan sa Romblon.
Kasama sa ribbon cutting sina Romblon Governor Eduardo Firmalo, DOST MIMAROPA Regional Director Ma. Josefina Abilay, DOST Undersecretary for Disaster Risk Reduction and Climate Change Dr. Renato Solidum Jr., at Odiongan Mayor Trina Alejandra Firmalo-Fabic.
Tampok sa exhibit ang iba’t ibang produktong o imbensyon na likha ng mga estudyante ng iba’t ibang paaralan sa buong MIMAROPA Region (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan).
Matatagpuan ang exhibit sa auditorium ng Virginia Centurione Bracelli School sa Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon at magtatagal hanggang Huwebes ng hapon.
Ang pagbubukas ng Regional Invention Contest and Exhibits o RICE ay bahagi lamang ng Regional Science and Technology Week ng DOST-MIMAROPA na may temang ‘Changing Lives through Science’ na ginaganap sa Odiongan, Romblon.
{googleads center}