Maraming nauwing trophy ang mga representative sa iba’t ibang paaralan sa Oriental Mindoro sa katatapos lang na 2017 MIMAROPA Regional Invention Contest and Exhibit na ginanap sa Virginia Centurione Bracelli School, Odiongan, Romblon.
Sa awarding ceremony nitong August 17, nauwi ng mga estudyante ng Bansud National High School – Regional Science High School for MIMAROPA ang Regional Winner Trophy sa Student Creative Reserch for High School Category.
Nanalo ang research paper nina Neil Ian Magalang, Richa Ella Mae Ogbac, at Franklin Razon na may title na “Chiffing: Chaff Intermediate Flour in Fighting Nutritional Gap”.
Nauwi rin ng parehong paaralan ang first runner-up sa parehong category, habang second runner-up ang Mindoro State College of Agriculture and Technology sa Student Creative Reserch for College Category.
Itinanghal namang Regional Winner sa Student Creative Reserch for College Category ang mga sina Orland Anne Christian De Ocampo ng Occidental Mindoro State College dahil naman sa kanilang research na “Development of Interactive Nursery Rhymes with Sign Language Application”.
Regional Winner naman si Ronie Magsino at Polemer Cuarto ng Calapan City, Oriental Mindoro sa Creative Research dahil sa research nilang may title na “Development of Stingless Bee Propotis Jam”.
Panalo naman bilang first runner-up si Dr. Bilshan Servanez ng Romblon State University sa nasabing category; habang second runner-up ang isa pang research nina Ronie Magsino, at Polemer Cuarto kasama si Mario De Castro.
Outstanding Utility Model naman ang kay Rolando Javellonar ng RSU Odiongan dahil sa kanyang “Process of Making Rice Straw Geutextile Meat”.
Ang mga nabanggit na Regional Winner ay kakatawanin ang MIMAROPA Regional sa gaganapin na National Invention Competition and Exhibit sa susunod na taon.
{googleads center}