Ipinatitigil na ni Governor Alfonso Umali Jr., ang lahat ng uri ng ‘number games’ na may nag-ooperatasyon sa buong lalawigan ng Oriental Mindoro para umano sa pangkahalatang kaayusan at kabutihan ng mga mamayan nito.
Ang nasabing utos ay laman ng Memorandum Order No. 11, series of 2017 na nilagdaan ni Governor Umali Jr. nitong August 02 para sa lahat ng punombayan at punong lungsod ng lalawigan na nag-uutos na ipatupad ang pagpapatigil sa lahat ng uri ng number games kasama ang Small Town Lottery at Jai Alai.
Ang nasabing memorandum umano ay suporta ng Provincial Government ng Oriental Mindoro sa programa ng Philippine National Police na pagpigil at paglipun sa lahat ng operasyon ng mga sugal sa bansa na kalimitang nagiging ugat ng korupsyon sa lipunan at nakaapekto sa maayos na pamumuhay ng mga mamayan.
{googleads center}
Layunin rin ng Provincial Government na matigil and diumano’y paggamit sa mga legal na laro bilang “front” ng mga iligal na nag-ooperate ng number games sa lalawigan.
Nakatakda ring hingin ni Governor Umalo sa Sangguniang Panlalawigan ng Oriental Mindoro ang pagpasa ng resolusyong sumusuporta sa naging posisyon ng ehekutibo sa papalalang sitwasyon umano ng operasyon ng number games sa lalawigan.
Ang nasabing aksyon ni Governor Umali ay suportado ng League of Mayors of the Philippines (LMP) Oriental Mindoro Chapter.
Hinihikayat rin ni Governor Umali ang mga Mindoreno na matutuong maging masinop sa pera lalo na ang mga magulang at maging mabuting ehemplo ang mga ito sa kanialng mga anak at sa mga kabataan.