Binisita nitong August 15 ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato De la Peña ang mga Micro, Small & Medium Enterprises sa bayan ng Romblon na natulungan ng departamento.
Hapon nitong Martes ng tumungo ang grupo ni Sec. De la Peña kasama sina Governor Eduardo Firmalo, DOST MIMAROPA Regional Director Ma. Josefina Abilay, Romblon Provincial Director Marcelina V. Servañez, DOST Undersecretary for Disaster Risk Reduction and Climate Change Dr. Renato Solidum Jr., at ilan pang mga opisyal at kawani ng Department of Science and Technology sa bayan.
Binisita ng grupo ang Romblon Shoppping Center, at dalawang pagawaan ng marble crafts.
Ayon sa DOST Romblon, isa sa mga natulungan ng Department of Science and Technology sa bayan ay ang isang pamilyang noong 2015 ay nagtitiis lamang sa mano-manong pagwasak sa mga marble para maging bato at magamit sa pagsemento ng mga kalsada at bahay pero noong 2016 nabigyan ang kanilang pinagtatrabahuan ng makinang kayang dumurong sa mga marble stones.
Ayon sa pamilya, malaking tulong umano ito dahil kung noong hanggang apat na sako lang kada araw ang nagagawa nila at naibebenta, ngayon ay umabot na sa mahigit 40 na sako kada araw.
Tumulong rin ang Department of Science and Technology sa Santiago’s Marble Factory kung saan nabigyan sila ng machine para mas mapaganda ang kanilang pag hulma o pag-engrave sa mga produktong marble. Ang Santiago Marble ay gumagawa ng iba’t ibang marble crafts katulad ng santo, mga hayop, at iba iba pa.
Nagpasalamat naman ang pamilya Santiago dahil sa naitulong sa kanilang business ng DOST. Sa ngayon umano may order sa kanila na aabot na rebulto ng isang santo na aabot sa mahigit P100,000 ang halaga.
{googleads center}