Isang magkakatay ng karne ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – MIMAROPA at mga kapulisan sa bayan ng Romblon, Romblon nitong August 25 matapos mabilhan umano ng shabu.
Ayon sa report ng PDEA-MIMAROPA, ang suspek ay kinilalang si Jesal Morente Magracia, alyas Nognog o Boy Negro, 34-anyos, at residente ng Barangay Sawang, Romblon, Romblon.
Nabilhan umano ang suspek ng shabu sa ginawang drug buy-bust operation sa Barangay Macalas, Romblon, Romblon bandang alas-5 ng hapon.
Nakuha sa suspek ang 2 sachet ng heat sealed sachet na pinaghihinalaang may lamang shabu na may bigat na 0.1 gram, at isang P100 bill.
Ayon sa PDEA-MIMAROPA, nagkakahalaga ng P1,500 ang nakuhang mga sachet kay Magracia.
Nakakulong na ngayon ang suspek sa Romblon Municipal Police Station at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
{googleads center}