Magnitude 6 hanggang Magnitude 7, yan ang pinakamalakas na lindol na maaring tumama sa Romblon kung sakaling gumalaw ang Tablas Fault na matatagpuan sa silangang bahagi ng Tablas Island.
Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Renato Solidum Jr., matagal na taon na umano ng may maitalang malakas na pagyanig sa Romblon na sanhi ng Tablas Fault.
“Yung Tablas Fault, huling gumalaw yan ng malakas noong Grade 2 ako, so..tinatanong natin yan, kaya niya ng mga Magnitude 6, pwede ngang mga Magnitude 7 ,” ayon kay Dir. Solidum.
Ayon kay Dir. Solidum, matatagpuan ang Tablas Fault sa gilid ng San Agustin at sa ibang bahagi ng Alcantara at tatagos in gitna ng Looc at Santa Fe.
Ang bantang pag-galaw ng Tablas Fault ang isa sa dapat mga scenario ng mga earthquake drills sa Romblon bilang paghahanda, ayon kay Dir. Solidum.
Sa pakikipagpulong ni Dir. Solidum sa mga MDRRMO ng iba’t ibang bayan ng Romblon nitong gabi ng August 15, sinabi nitong maliban sa Tablas Fault ay meron ring fault line sa Sibuyan Sea, at may isa silang tinitingnang bagong discover na fault line sa Romblon.
Handa naman umano ang iba’t ibang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Offices sa Romblon sa maaring epekto ng pag-galaw ng Tablas Fault.
{googleads center}