Timbog kahapon ng umaga, August 30, ang pito katao sa Calapan City, Oriental Mindoro na nagbabalak sanang mag-claim sa loan ng isang pulis na may pangalang Police Supt. Yolando Ochea Conaco, isang retired police officer.
Nagsumbong ang Branch Manager ng Armed Forces and Police Savings & Loan Association, Inc. o AFPSLAIO Lucena Branch sa Calapan Branch na mukhang niloloko sila ng nagpanggap na si PSupt Conaco.
Kaya agad na nakipag-ugnayan ang AFPSLAIO Calapan Branch sa Calapan City Police Station para magsagawa ng entrapment operation sa kanilang opisina kung saan ire-release ng ahensya ang two million pesos (Php 2,000,000.00) na checks sa nagpapanggap na si PSupt. Conaco.
Nang makuha ng mga suspek ang pera at sasakay na sana sa kanilang sasakyan, agad silang inaresto ng mga operatiba ng Calapan City Police Station at hinuli.
Dito nila napag-alamang ang nagpapanggap na si PSupt Conaco ay may totoong palang pangalan na Seferino Rodolfo, 62-years old, residente ng Trece Martieres City, Cavite. Kasama ni Rodolfo na nadakip ay sina Edwin Madrigal, 49, isang retired army officer; Meriam Dela Rama Ungo, 49; Jonathan Pastor Panceras, 41, Alvin Abdul Kalam Mahamud, 43; Jesus Canlas Cañero, 37; Marivic Ecalner Jose, 35.
Nakakulong na sa Calapan City Police Station ang mga suspek at nakatakdang kasuhan ng Estafa.
{googleads center}