Dahil sa pagkasira ng tatlong makina sa planta ng Sunwest Water and Electric Co., Inc. (SUWECO), kasalukuyang nakakaranas ng power interruption ang halos lahat ng bayan sa Tablas Island, Romblon simula kaninang ala-una ng hapon.
Ayon sa Tablas Island Electric Cooperative, Inc. (TIELCO), ang mga lugar na apektado ay ang mga bayan ng Alcantara, Looc, ilang barangay sa Odiongan, buong bayan ng San Andres, Calatrava, at San Agustin. Maibabalik ang kuryente sa mga nabanggit na lugar mamayang hating gabi.
Habang ang kuryente sa mga lugar naman ng Sta. Maria, hanggang Barangay Sawang sa San Agustin at Poblacion, Sta. Maria hanggang Barangay Lawan, Alcantara ay babalik mamayang 9:30 ng gabi.
Inaasahang maibabalik ang normal na sitwasyon ng kuryente sa mga nabanggit na lugar ngayong Huwebes, pagdating ng makina ng SUWECO galing Batangas.
Muling humihingi naman ng paumanhin ang Tablas Island Electric Cooperative, Inc. (TIELCO) sa kanilang mga consumers dahil sa abalang dulot ng blackout.
{googleads center}