Asahan na bago matapos ang taong 2017 ay magkaroon ng libreng wifi sa lahat ng munisipyo sa Romblon, ayon kay Director Reynaldo Sy ng Field Operations Office – Luzon Cluster 3 ng Department of Information and Communications Technology o DICT.
Nabanggit ito ni Dir. Sy sa ginanap na Press Conference sa launching ng MIMAROPA Stars Vol. 3 at Presentation ng ICT Roadmap for MIMAROPA sa Virginia Centurione Bracelli School sa Odiongan, Romblon nitong August 15, 2017.
Ayon kay Sy, may anim na munisipyo sa Romblon ang sinubukan ang free wifi ngunit nag failed ang test nila dahil sa imbes na 8mbps ang ibato sa kanilang bandwidth ng TELCOs halos 2mbps lang umano ang nabibigay sa kanila.
Ngunit sa susunod na dalawang buwan umano baka maging succeful na ang kanilang test sa anim na bayan.
Maliban rito, prenisenta rin ni Dir. Sy ang National Broadband Plan ng Department of Information and Communications Technology at ang planong paglatag ng Fibr Optics sa iba’t ibang probinsya sa Pilipinas.
DICT Official, kwinestyon kung kelan bibilis ang internet connection sa Romblon
Kwinestyon naman ni Governor Eduardo Firmalo at ni Romblon State University President Arnulfo De Luna ang Department of Information and Communications Technology kung ano ang ginagawa ng ahensya para masolusyunan ang mabagal na internet connection sa halos buong Romblon.
Ayon kay Dr. De Luna, pahirapan sila sa pagpapadala ng mga dokumento sa Commission on Higher Education o Commission on Audit dahil mabagal ang internet connection sa Odiongan.
Sinasabi naman ni Governor Firmalo sa DICT na halos tatlong taon na siyang nakikipag-usap sa iba’t ibang ahensya upang masolusyunan ang mabagal na internet connection ngunit wala parin umanong nangyayari.
“Kami po ay three years ng nag-uusap ni RD Abilay kasi gusto naming ma-improve ang internet connectivity. So, Meron pong 1.5Million kaming budget doon hanggang ngayon hindi pa namin nagagamit,” ayon kay Gov. Firmalo.
“Tayo ay three years ng discuss ng discuss, walang nangyayari, gusto ko sana…aksyunan na. Kelan tayo magkakaroon ng internet connectivity sa 4th at 5th class municipality and the whole Philippines? Yan ang gusto kong sagot,” dagdag ni Gov. Firmalo.
Dagdag naman ni Dr. De Luna, baka umano pwedeng padagdagan nalang ang mababang bandwidth sa Romblon para bumilis na internet. Ang conggested na bandwidth kasi umano ang dahilan kung bakit mabagal ang internet connection sa tatlong isla sa Romblon.
Pahayag naman ni Dir. Sy, ibibigay niya sa DOST Regional Director kung sino ang pwedeng padalhan ng sulat para ma-address at mabigyan ng solusyon ang problema ng internet connection sa Romblon. Makikipag-ugnayan rin umano siya sa DOST kaugnay sa problemang ito.
{googleads center}