Hindi sa Department of Trade and Industry kundi sa Department of Agriculture ang responsibilidad na magbantay sa presyo ng mga ibinibentang isda at iba pang fresh marine products sa palengke.
Ito ang ipinunto ni Department of Trade and Industry – Romblon (DTI-Romblon) Provincial Caretaker Orville F. Mallorca sa ginanap na Committee Meeting ng Committee on Tourism, Trade and Industry ngayong araw, August 10, sa Session Hall ng New Legislative Building, Odiongan.
Ayon kay Mallorca, nakasaad umano ito sa Republic Act 7851 o mas kilalang The Price Act.
Ang pwede umanong bantayan ng DTI na mga produkto ay mga processed products katulad ng canned fish, noodles, tubig, at iba pang prime commodities ng mga mamimili; sa Department of Agriculture naman ay rice, fresh fish, meat, chicken, itlog at iba pang farm outputs. Sa Department Health naman ay mga gamot; sa Department of Energy naman ay mga presyo ng gasulina, at kerosine habang sa Department of Environment and Natural Resources naman ay mga presyo ng uling, wood, at iba pang forest products.
“Sad to know kasi pag may problema sa presyo [kahit anong produkto], sa DTI lagi ang sisi,” pahayag ni Mallorca.
Ang mga nasabing pahayag ay kasunod ng mga paninisi na natatanggap ng ahensya galing sa ilan matapos na maibalita sa Romblon News Network na mataas ang presyo ng mga tindang isda sa Odiongan Public Market.
{googleads center}