Nagkaloob ng proyektong pangkabuhayan ang Department of Labor and Employment (DOLE) – Romblon Field Office sa Parent Teachers Association (PTA) ng Libertad National High School sa bayan ng Odiongan.
Pormal na iniaabot ni DOLE Provincial Officer Carl Villaflores ang tsekeng nagkakahalaga ng P872,751 sa mga opisyal at guro na miyembro ng Libertad National High School PTA.
Ang naturang pondo ay ilalaan ng asosasyon sa kanilang school canteen and catering services na nakabase sa loob ng nasabing paaralan.
Ayon kay Libertad Barangay Captain Jun Firmalo, bilang isa sa mga miyembro ng PTA ay kaniyang ginagarantiyahan na kanilang sisikapin na mapaunlad ang tulong pangkabuhayan na ipinagkaloob ng DOLE dahil sila ay mapalad na nabigyan ng puhunan ng pamahalaan.
Ang awarding ceremony para sa livelihood assistance ng DOLE ay sinaksihan nina Mayor Trina Firmalo-Fabic, LNHS Principal Roque Falible, mga guro, estudyante at halal na opisyal ng Bgy. Libertad.
{googleads center}