Dalawa na ang naitalang patay ngayong taon ng Provincial Health Office dahil sa sakit na dengue, ayon kay Dra. Ederlina Aguirre, Provincial Health Officer ng Romblon.
Isang lalaking taong 24-anyos ang naitalang namatay dahil sa sakit sa bayan ng Odiongan habang sa Alcantara naman ay isang 6-taong gulang na batang babae.
Ayon kay Dra. Aguirre, noong buong buwan ng July may naitala na silang 20 suspected cases ng dengue habang kalahati palang ng August ay nakapagtala sila ng karagdagang 24 na patients sa bayan lamang ng Alcantara, Romblon.
Sa buong Romblon, as of August 17 umano ay umabot na ng 109 ang patients na may suspected dengue virus.
Wala naman umanong dapat ikabahala ang mga residente ng Alcantara dahil tiwala umano si Dra. Aguirre sa Municipal Health Officer ng Alcantara na kaya nilang solusyunan ang problema sa lamok sa lugar.
Kaninang umaga, nagsagawa ng misting ang Municipal Health Office ng Alcantara sa Barangay Poblacion, bilang solusyon para mamatay ang mga lamok.
Pero paalala ni Dra. Aguirre, pansamantalang solusyon lamang ang misting dahil nasa kamay ng mga residente ng isang barangay ang kanilang kaligtasan. Ugaliin umanong gawin ang 4 o’clock habit na pagwawalis sa mga gilid ng kanilang bahay.
{googleads center}