Lumagda nitong August 14 sa isang Memorandum of Understanding ang Maxwell International Holdings Berhad (Malaysia based company) at Global Mining and Agrictultural Ventures Corporation (Philippine based company) para sa planong pag extract ng mga nickel ores sa dalawang Barangay ng San Fernando, Romblon.
Ang Global Mining and Agrictultural Ventures Corporation ang holder ng operation agreement ng mineral mining ng Global Mines sa Sibuyan Nickel Properties Development Corporation, ang kompanyang may leases/rights para mag mina, extract, at mag process ng nickel ores sa San Fernando.
Ayon sa Memorandum of Understanding, ang Sibuyan Nickel Properties Development Corporation ay nagmimina sa aabot na 1,580 hectares na lupa sa Barangay Españ at Barangay Taclobo ng bayan ng San Fernando, Romblon.
Batay rin sa datus ng Sibuyan Nickel Properties Development Corporation, aabot sa 19 million metric tonne ang resources per nickel content ng mineral/reserve sa nabanggit na lugar.
Batay sa Memorandum of Understanding, Ang Maxwell, in behalf sa Global Mining ay pwede mag appraise, develop, at mag produce ng relevant ores reservoirs sa Sibuyan Mining Region.
MAXWELL-AN20170815A1-1 by Romblon News Network on Scribd
Environmental Group sa Sibuyan, tutol sa nasabing Memorandum of Understanding
Tinututulan naman ng Bayay Sibuyan, isang environmental group sa Sibuyan, ang nasabing Memorandum of Understanding.
Sa kanilang statement, hinihiling nilang tingnan muli ng Maxwell International Holdings Berhad at ng Global Mining and Agrictultural Ventures Corporation ang Sibuyan Mining Region dahil malinaw umanong maapektuhan ang Cantingas River sa pagmimina ganun na rin ang ilang palayan sa Barangay Taclobo, kasama na ang mga kabundukan sa Barangay España malapit sa Dagubdob Falls, Olango at Punong Rivers.
Sinabi rin nilang ang desisyon ng dalawang kompanya ay against sa human and environmental rights.
Ang Sibuyan Island ang tahanan ng iba’t ibang variety ng flora at fauna species na hindi makikita sa ibang bahagi ng mundo. Ayon sa National Museum may 1,551 na puno ang may nakatirang mahigit 200 species at 54 rito ay endemic, sa makatuwid ang Sibuyan ang tahanan ng World’s Densest forest.
Ang mga residente ng Sibuyan Island ay matagal ng tutol sa iba’t ibang uri ng pagmimina sa kanilang isla katunayan noong 2007, binaril at napatay ng security guard ng Sibuyan Nickel Properties Development Corporation ang isang konsehal ng Sibuyan Island na si Armin Rios Marin, isang kilalang environemtal advocate sa lugar.
Umaasa rin ang Bayay Sibuyanon na hindi matutuloy kung may balak man silang magmina sa Sibuyan Island dahil sa joint resolution ng mga bayan ng Magdiwang, Cajidiocan, at San Fernando na nagsasabing hindi kailangang i-set aside at i-disregard ang Mother Earth at Environment para lang sa development.
{googleads center}