Posibleng magawaran ng National Red Orchid Hall of Fame Award ng Department of Health ang mga bayan ng Alcantara at San Agustin sa Tablas Island dahil sa seryosong pagpapatupad ng dalawa ng Smoke-Free Ordinance.
Isang grupo na galing sa award giving body ang bibisita ngayong August 8 sa dalawang bayan na nominado para sa Evaluation of Tobacco Control Program ng Local Government Unit.
Dahil dito puspusan na ang ginagawang paghahanda ng dalawang bayan upang masungkit ang naturang parangal.
{googleads center}
Ayon kay Doctor Jobin Maestro ng Rural Health Unit ng Alcantara, ginagawa na umano nila ang lahat at full force na rin umano ang LGU at Barangay para sa paghihigpit ng Smoke-Free Ordinance at pagbibigay ng karagdagang paunawa sa mga tao na bawal manigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Maliban sa trophies at certificates, makakatangap rin ang National Red Orchid Hall of Fame Awardees ng P500,000 project grant bilang pondo para sa patuloy sa pagkontrol ng mga tabacco activities. Makakatangap rin ng P100,000 ang Local Government Unit na National Red Orchid Awardee para sa mga gamot.