Pinalaya ng Office of the Provincial Prosecutor ang suspek na si Diony Gajulin Estores, 43, na di umanoy nahuli ng Odiongan Police nitong August 25 na nagpapataya ng loteng sa Barangay Tumingad habang nasa preliminary investigation pa lamang ang kaso laban rito.
Ayon sa natanggap na progress report ng Romblon News Network galing sa Odiongan Municipal Police Station, nakatanggap sila ng order nitong August 29 na nag-uutos na palayain ang nasabing suspek.
“… Odiongan MPS has received an orde duly signed by Atty. Cesar R Carreon III, Provincial Prosecutor directing the release of the above cited suspect from police custody as the presumption of innocence of the respondent (Diony G. Estores) is far favorable than the presumption of regularity of the police officers hence the release.” laman ng report.
Naaktuhan umano ng mga pulis ang suspek na nangungulekta ng taya sa Barangay Tumingad ng kanilang mahuli. Nakuha umano sa suspek ang 1 pirasong ending card, 1 booklet ng PBA ending recepit, 1 ballpen, at P120 na pera, at isang motorsiklo.
Kahit na laya ang suspek, pinapasubmit siya ng Office of the Provincial Prosecutor ng countervailing evidence sa reklamo ng mga kapulisan sakanya.
Ang article na ito ay ‘Corrigendum’ ng naunang naisulat ng Romblon News Network na nagsasabing nabasura na ang kaso ng suspek.