Malaking tulong kung sakaling maging batas ang inihain na House Bill 6062 ni Romblon Congressman Emmanuel Madrona sa Kamara nitong July 26 na kung saan may layuning makapagtayo ng TESDA Romblon Provincial Training Centers sa mga lugar ng Cajidiocan sa Sibuyan Island at Odiongan sa Tablas Island.
Makakatulong umano ito sa pagbibigay ng technical-vocational training at pag-alok ng skill development program sa mga estudyante na may mababang income ang pamilya at mga out-of-school youths ng probinsya. Makakatulong rin umano ito na madevelop para maging productive, self-reliant, at globally competitive workers.
Ang TESDA Romblon PTCs rin umano ay magse-serve bilang provincial competency assessment centers.
Kung sakaling ma aprubahan ang batas, ang makakatanggap ng Fifty Million Pesos (P50,000,000) ang PTC Cajidiocan at PTC Odiongan bilang budget sa pagpapatayo ng buildings at pag-purchase ng mga gamit.
Hb 06062 by Romblon News Network on Scribd
{googleads center}