“I-charge nyo na po ang inyong mga gadgets, magpaakyat na po kau ng water at lahat ng activities na gagamit ng electricity ay gawin nyo na habang may supply pa po ng kuryente sa inyong mga tahanan,”
Ito ang payo ni Joshua Falcunit, isa sa mga empleyado ng Sunwest Water and Electric Co., Inc. (SUWECO) na power generator ng Tablas Island Electric Cooperative, Inc. (TIELCO).
Ayon kay Falcunit, sira ang apat na unit ng generator ng SUWECO kaya kulang ang supply ng kuryente sa Tablas Island kaya nakakaranas ng brownout ang karamihang bayan sa isla maliban sa Odiongan.
Asahan umano ang manaka-nakang pagbrownout hanggang sa susunod na mga araw hanggang sa dumating ang pamalit na rental gensets na hahalili sa apat na sirang generator sets.
“Inaasan na darating at maikakabit ang rental sa lalong madaling panahon upang maibsan ang manaka-nakang pagbrownout sa buong isla.” pahayag pa ni Falcunit.
Humihiling naman ng paunawa ang pamunuan ng SUWECO sa mga consumers ng TIELCO na apektado ng power shortage.
“Tanging hiling lamang po ng pamunuan ng SUWECO ay ang inyong pasenya at pang-unawa,” dagdag ni Falcunit.
{googleads center}