Bigla umanong bumaba ang bentahan ng itlog ng manok at pugo sa pamilihang bayan ng Odiongan sa Odiongan, Romblon simula ng umugong ang balita tungkol sa mga manok na apektado ng Avian Influenza sa ibang lugar sa Luzon at pagpapatigil ng probinsya sa pag-aangkat ng poultry supplies sa karatig isla sa Luzon.
Ayon sa ilang tindira, nagkaroon umano ng pagbabago sa bentahan ng mga itlog marahil dahil sa naririnig nilang balita.
Hindi naman umano nagbago ang presyo ng itlog at manok sa probinsya, ang manok ay umaabot parin ng P160-P170 ang kilo, habang itlog ng manok ay P170 ang kada tray o P7 kada piraso, habang ang itlog ng pugo at P200/tray P2/piraso.
Matagal na umanong mataas ang presyo sa palengke simula pa uman ong tumama ang bagyong Nona noong 2015.
Sinisugurado naman ng mga tindira na ligtas ang kanilang mga tindang itlog dahil galing umano ito ng Batangas at may kaukulang papeles bago ibiyahe sa Batangas Port patungong Odiongan, Romblon.
Ayon sa Executive Order na binaba ni Governor Eduardo Firmalo last week, pinagbabawal muna ang pag-angkat ng mga manok at itlog galing sa ibang probinsya maliban kung may certification sila na nagpapatunay na ligtas ang kanilang mga poultry products.
Alinsunod ito sa utos ng Department of Agriculture para maiwasan ang bantang pagkalat ng Bird Flu Virus sa ilang probinsya.
{googleads center}