Isang lindol ang naramdaman sa bayan ng Alcantara, Romblon bandang 11:24 ngayong gabi, August 22.
Ayon sa mga residente ng Alcantara, may malakas na pagsabog silang narinig sa ilalim ng lupa at maya-maya’y biglang gumalaw na ang lupa.
Hindi naman tukoy kung anong magnitude ito dahil walang pang nailalabas na report ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) – DOST kaugnay rito.
Tumagal umano ang pag-galaw ng lupa ng halos 3 hanggang 4 seconds.
Naramdaman rin ang pagyanig sa mga bayan ng Looc, at sa Odiongan.
Wala namang naiulat na nasaktan o napinsala dahil sa pagyanig ng lupa.
{googleads center}