Sa pagpapatuloy ng 22nd Police Community Relations Month Celebration, ang kapulisan ng Odiongan Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr. ay nag-organisa ng isa na naman proyekto na pinamagatang “TSAPAng May Puso” na ang layunin ay maghandog ng mga serbisyo na maglalapit ng loob ng pamayanan sa ating kapulisan.
Ito ay inilunsad ngayong araw sa Rizal Elementary School na kung saan nagkaroon ng Film Showing patungkol sa ‘Touching Rules’, ito ay dinaluhan naman ng aabot sa 244 estudyante ng nasabing eskwelahan. Naturuan sila dito kung paano maging maingat at alerto sa mga taong kanilang nakakasalamuha.
Nagkaroon rin ng briefing ang mga kapulisan sa mga estudyante patungkol sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 at Kampanya laban sa Iligal na Droga ng Gobyerno.
Nabiyayaan din ng mga school supplies ang mga estudyate ng mula una hanggang tatlong baitang ng nasabing eskwelahan. Sa tulong ng Barangay Council, napakain din ang lahat ng estudyante ng masarap at masustansyang vitameal/lugaw. Nagsagawa din ng libreng pagkuha ng Blood Pressure isa sa mga pulis ng Odiongan na Registered Nurse din sa mga guro at mga magulang ng mga bata na naroroon.
Ang mga kapulisan ng Odiongan ay hindi magsasawang busugin ang mga isip at tiyan ng ating mga kabataan kundi pati na rin ang kanilang mga puso upang maging kapakipakinabang na mamamayan ng ating kinabukasan.