Wala paring itinuturing na suspek ang Looc Municipal Police Station, tatlong araw matapos ang pagpatay sa isang empleyado ng Office of the Municipal Planning and Development Coordinator.
Ayon sa text message ng imbestigador ng kaso sa Romblon News Network, wala pa umano silang suspek sa ngayon at patuloy ang kanilang isinasagawang imbestigasyon rito.
Naghahanap na rin umano sila ng mga CCTV Footages na maaring magamit o di kaya’y naka-aninag sa nangyaring krimen.
Ipinadala na rin umano sa Camp Crame sa Metro Manila ang Cellphone ng biktimang si Reynante Aguirre, 37, para subukang ma-rekober ang mga text message na di-umanoy nabura sa cellphone ng biktima.
Si Aguirre ay pinatay nitong July 18 ng gabi sa Municipal Park ng Looc, Romblon. Nagtamo ito ng laslas sa leeg at saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.