Binaha ang sentro ng bayan ng Romblon, Romblon kagabi ng kasunod ng tuloy-tuloy na pag-uulan sa lugar.
Umapaw umano ang tubig sa mga creek na nasa loob mismo ng nasabing bayan dahil sa mga sumabit at bumarang malalaking punong kahoy.
Dahil sa baha, halos putik na ang kalsadang dinaraanan ng mga motorista.
Naperwiso rin ang mga estudyanteng papasok sa kanilang paaralan ngayong umaga dahil sa maputik na mga kalsada sa bayan.
Ang nasabing pag-uulan ay epekto ng Inter Tropical Convergence Zone o ITCZ na nakakaapekto sa panahon ng buong MIMAROPA Region.