Bida sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong taong 2017 sa Romblon State University Main Campus sa Odiongan, Romblon ang iba’t ibang wika na meron sa lalawigan ng Romblon.
Ayon kay Supreme Student Council President Justin De Castro, napagkasunduan umano ng Student Council na sariling dyalekto ang gawing tema ng selebrasyon ngayong taon.
Naisip umano nilang gawing ‘Buwan Ng Mga Wikang Romblomanon’ ang normal lang na selebrasyon ng ‘Buwan ng Wika’.
Kaugnay ng pagdiriwang, may mga human size letter na naka-display sa Romblon State University Landmark sa loob ng campus sa Odiongan, ito ay ‘ASI’, ‘ONHAN’, at ‘INI’.