Binisita ni Reverend Father Plice Chief Inspector Jonathan Chy, Police Regional Office MIMAROPA Regional Chaplain ang mga kapulisan ng isla ng Tablas, Romblon bilang bahagi ng kanyang Pastoral Visit ngayong araw, July 27, 2017.
Ayon pa kay Father Chy, ang Regional Chaplain Service ay pro-active na bumibisita sa mga kapulisan ng iba’t-ibang police stations upang mapalakas ang buhay spiritual ng mga uniformed and non-uniformed personnel ng Philippine National Police (PNP).
Pinangunahan ni Father Chy ang pag-aalay ng sakripisyo ng Banal na Misa na ginanap sa New Legislative Buildingng Odiongan, Romblon kaninang umaga na dinaluhan ng mga kapulisan ng bayan ng Odiongan, non-uniformed personnel, Criminology students at mga empleyado ng Office of the Sangguniang Bayan.
Sa kanyang homiliya ibinahagi niya sa mga nagdalo ng Banal na Misa ang dapat gawin ng tao para maging masaya sa buhay at hinikayat ang bawat isa na gawin ang Panginoong Diyos na maging sentro ng buhay pananampalataya.
Nagpasalamat ang mga kapulisan ng bayan ng Odiongan sa pamumuno ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., Chief of Police ng Odiongan Municipal Police Station sa pagbisita ng Regional Chaplain na kung saan lalo pang lumago sa pananampalataya ang mga kapulisan at ito ang magiging inspirasyon nila sa pagtupad ng kanilang tungkulin na “To Serve and Protect”.