Normal parin umano ang presyo ng mga bigas sa merkado ng Pilipinas kahit tumaas na ang rice production ng bansa ngayong 2017.
Ayon kay Secretary Emmanuel Piñol na nasa Odiongan, Romblon nitong July 27, tumaas umano ang rice production ng bansa.
“From the average of 3.9 metric tons per harvest we are now up to 4.23 metric tons per harvest. With the harvested area of 4B hectare nag increase ng mga 5million metric tons per hectare [per harvest],” pahayag ni Piñol.
Pagdating umano ng 2020, maaring masustentuhan na ng bansa ang pangangailangan natin sa bigas.
Ani pa ni Sec. Piñol, normal naman umano ang presyo ng bigas pero mas baba umano ito kung ma implement nila ang kanilang vission na payagan ang mga farmers na magbenta ng kanilang produkto sa merkado.
“Nationwide, the rice actually is just Ok but it could be cheaper if we could implement our vission of really allowing the farmer to directly market its product,” pahayag ni Piñol.
“What’s happening right now is actually, ang daming traders and that’s the reason why mataas masyado yung presyo sa merkado at mababa ang bilihan sa produkto ng farmers,” dagdag pa ni Piñol.
Nasa Odiongan, Romblon si Sec. Piñol ngayong araw para pangunahan ang pamimigay ng mahigit P12M halaga ng mga makabagong kagamitan sa pangsasaka at pangingisda para sa mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan ng Romblon.
Nagbahagi rin si Agriculture Sec. Piñol ng P50M capital para sa mga magsasaka.
Napansin rin ni Sec. Piñol, ang kakulangan ng supply ng bigas sa lalawigan ng Romblon. Sa ngayon kasi nag-iimport pa ang Romblon ng mga bigas sa Mindoro para may maibenta sa merkado.
“We are actually squandering the potentials of Romblon to produce more rice for its people, so if we are able to improve the farming system I believed that the rice area of Romblon will be able to feed atleast 1/2 of the requirements so yung ibang supply jan mapupunta sa Metro Manila,” pahayag ni Piñol.