Ang mga opisyal at empleyado ng pamahalaang bayan ng Romblon ay nagsagawa kamakailan ng OPLAN: Linis Sapa sa mga pangunahing daluyan ng tubig sa bayan ng Romblon.
Layunin ng aktibidad na ito na malinis at matanggal ang mga bumabarang basura sa mga sapa kapag bumubuhos ang ulan upang maiwasan ang pagbaha lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.
Ayon kay Mayor Mariano Mateo, malaki na aniya ang ibinababaw ng mga sapa kaya madaling umapaw kapag may malakas na pagbuhos ng ulan. Dahil dito, inatasan niya ang lahat ng mga kawani ng LGU Romblon na sama-samang maglinis sa mga sapa at tanggalin ang iba’t ibang uri ng basura upang mabilis na makadaloy ang tubig ditto sa tuwing umuulan.
Naging mabilis naman ang ginawang paglilinis ng mga tauhan ng munisipyo kung saan nakakolekta ang mga ito ng sako-sakong basura mula sa mga sapa.
Lumahok din sa malawakang paglilinis ang mga kawani ng Romblon Police Provincial Office at Romblon Municipal Fire Station.