Niyanig ng magkasunod na lindol ang probinsya ng Romblon kagabi.
11:08PM ng July 19 unang naitala ang Magnitude 3.3 na lindol sa lalawigan. Naitala ang sentro nito sa lalim na 20km at sa layong 9km S 56° E ng bayan ng Calatrava (12.58°N, 122.14°E)
Naramdaman ang pagyanig sa mga lugar ng San Agustin, Alcantara, Calatrava, Sta. Maria, Romblon at Odiongan.
Bandang 12:58AM ng July 20 naman naitala ang Magnitude 2.4 na lindol. May lalim ang sentro ng lindol na 33km at nasa layong 17km N 74° E ng bayan ng Odiongan.
Naramdam ang pagyanig sa mga lugar ng San Agustin, Alcantara, Calatrava, Sta. Maria, at Odiongan.
Wala namang naiulat na nasaktan at napinsala sa mga nasabing pagyanig.
Wala ring inaasahang aftershocks.