Naaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region sa isang coffee shop sa Tomas Morato, Quezon City ang dating alkalde ng bayan ng Looc, Romblon nitong Miyerkules ng gabi, ayon sa ilang report.
Pansamantalang dinitine sa overnight sa Camp Crame si dating Looc Mayor Manuel Arboleda.
Ipinaaresto si Arboleda dahil sa arrest warrant na inilabas ng Sandiganbayan laban sa kanya at sa dati nitong Municipal Planning and Development coordinator na si Fermina Gaytano.
Sa desisyon ng Sandiganbayan Second Divison, sina Ex-Mayor Manuel Arboleda at Gaytano ay guilty sa pag-peke ng report kaugnay sa maanumalyang inspection at delivery ng mga biik noong 1991.
Kahapon, iniharap na sa Sandiganbayan si Arboleda.