Nagkaloob ng libreng gupit para sa mga estudyante, bata, matanda, traysikel drayber, mga napadaan lang mula sa iba’t ibang barangay ng bayan ng Odiongan ang nahandugan ng libreng gapit ng Odiongan Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr. nitong hapon ng July 10.
Ayon kay PSInsp. Fernandez Jr., umabot sa 35 katao ang kanilang nabigyan ng libreng gupit na may kasamang libreng pagkuha ng blood pressure at libreng meryenda.
Bahagi umano ito ng paggunita sa ika-22 Police Community Relations Month Celebration ng Philippine National Police ngayong buwan ng Hulyo.
Labis namang nagpasalamat ang mga nahandugan ng libreng gupit dahil hindi na sila gumastos ng P50 sa mga barber shop para lang makapag pabawas ng buhok sa ulo.
Namigay rin ang mga kapulisan ng Odiongan Municipal Police Station ng mga babasahin patungkol sa Anti-Illegal Drugs Campaign ng Philippine National Police, Project Double Barrel Reloaded, at Anti-Illegal Gambling.
Ang nasabing aktibidad ay naglalayong paigtingin ang magandang relasyon ng komunidad at ng mga kapulisan. Asahan rin ang umano ang iba pang proyekto kagaya nito sa mga susunod na araw o buwan.