Nasabat ng owtoridad sa Calapan Port sa Calapan City, Oriental Mindoro ang aabot sa 8,000 board feet na kahoy na balak sanang ibiyahe mula Pola, Oriental Mindoro patungong Metro Manila nitong gabi ng July 11.
Ang nasabing kahoy ay nagkakahalaga ng halos P70,000.
Ayon kay P/Supt. Imelda Tolentino, ininspekyon umano ng mga tauhan ng Calapan City Police Station, Philippine Coast Guard at Bureau of Plant Industry- National Plant Quarantine Service Division ang isang Mitsubishi Truck na may plate number RFB 760 na may kargang mga kahoy.
Napag-alaman nilang expired na ang mga dokumentong hawak ng driver na si Mario Vale Batinga, 42, para sa pag biyahe ng nasabing mga kahoy.
Hawak na ngayon ng Calapan City Police Station ang driver at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Republict Act 10593.
Nakipag-ugnayan na rin ang Calapan City Police Station sa Philippine Coconut Authority para ma-beripika ng ahensya ang mga nasabat na kahoy.