Nag negatibo sa gun powder nitrates ang itinuturong suspek sa pagpatay sa tatlong tanod sa Numancia, Aklan na si Kevin Cangson.
Ito ay batay sa paraffin test result na inilabas ng PNP Regional Crime Laboratory Office 4 kahapon, July 11.
Isinagawa ang parrafin test noong July 06 at natapos ng July 09.
Matatandaang si Cangson, residente ng Budiong, Odiongan, Romblon; ang itinuturong suspek sa pagpatay sa tatlong tanod noong nakaraang Linggo.
Itinanggi ni Cangson ang paratang, aniya, nasa presinto siya upang linisin ang kanyang pangalan matapos ngunit inaresto umano siya pagdating sa presento matapos ituro umano ng isa sa mga sinasabi nilang witness.
Maaring sila lang umano ang itinuro ng ilang witness dahil naka-alitan umano nila ang kapitan at ilang tanod ng barangay Camansi Norte nitong nakaraang araw.
Read More: Lalaking taga-Romblon; inaresto matapos iturong pumatay sa 3 tanod sa Aklan
Samantala, nakasuhan na si Cangson sa Provincial Prosecutors Office ng Aklan ng kasong 3 counts of murder noong July 10.