Mga makabagong kagamitan sa pagtatanim at pagproseso ng mga root crops ang ilan lamang sa ipinamahagi ng Deparment of Agriculture sa pangungan ni Secretary Emmanuel Piñol ngayong umaga sa mga magsasaka sa lalawigan ng Romblon.
Sa ginanap na turn-over ceremony sa bayan ng Odiongan, masayang tinanggap ng mga magsasaka ang aabot sa P12M halaga ng mga kagamitan sa pagsasaka at mga bangka para naman sa mga mangingisda.
Isa sa mga nabigyan ng makabagong kagamitan ay ang Tabobo-an Farmers Association ng Odiongan, Romblon na kung saan nakatanggap sila ng modernong rice planting machine. Isang machine na automatikong makakapagtanim ng palay o crops sa palayan.
Maliban sa P12M halaga ng mga gamit, nagbigay rin ng P50M cash grant ang Deparment of Agriculture sa Romblon para may magamit na kapital ang mga magsasaka at mangingisda sa probinsya.
Sa mensahe ng Piñol sa mga magsasaka at mangingisda, sinabi nitong ang mga isda at yamang dagat ang mga resources na hindi mawawala sa Romblon.
“This are the resources that will go on and on and on forever as long as you will have able to sustain and safeguard this resources,” mensahe ni Piñol.
Nakipagtalakayan rin siya sa mga magsasaka para alamin kung anong mga problema ang kanilang kinakaharap dito sa Romblon.
Ilan sa kanila ay inilapit ang pagpapagawa ng farm-to-market road sa kanilang barangay, ang kakulangan ng irrigation system, at problema ng bayan ng Sta. Fe sa seaweeds production.
Pahayag ni Sec. Piñol, titingnan niya umano ang mga nasabing problema at sosolusyunan agad-agad.