Updated na para sa makabagong panahon ang Comprehensive Land Use Plan o CLUP ng bayan ng Odiongan.
Sa ulat ni Mayor Trina Firmalo-Fabic sa kanyang State of the Municipality Address o ‘Ulat Sa Bayan’ nitong umaga ng July 31, sinabi nitong dito nakasaad ang mga zoning at long-term development plan ng bayan ng Odiongan.
Taong 2002 pa umano na-update ang CLUP ng Odiongan na kung saan noon kakaunti palang ang tao at hindi pa ganun kasikip sa bayan.
Sa bagong Comprehensive Land Use Plan ng Odiongan kasama na ang mga Barangay ng Dapawan, Poctoy, Batiano at Tulay sa mga Urban Barangays, dagdag ito sa limang barangay na nasa sentro ng bayan.
“Unti-unti ng lumalawak ang definition ng town center or urban area,” mensahe ng Alkalde.
Makikita rin sa Comprehensive Land Use Plan kung nasaan ang industrial area, residential area, business area, at agricultural area.
{googleads center}
Dumaan na umano sa public hearings ang nasabing CLUP at naisumite na sa Provincial Land Use Committee.
Dagdag sa CLUP, naisumite na rin sa Sangguniang Bayan ng Odiongan at Department of Interior and Local Government o DILG ang Comprehensive Development Plan at Municipal Water Supplies, Sewerage, and Sanitation Plan.