Ayon sa isang pag-aaral, halos kalahati sa mga pinoy netizens ang naging biktima na ng hacking sa loob lamang ng dalawang huling quarter ng 2016. Tugma ang nasabing data sa nauna pang report noong 2013 na 87% sa mga pinoy netizens ay biktima na rin ng cybercrime.
Palibhasa naman kasi ay maraming modus ang mga cyber criminal para mahulog sa kanilang mga patibong ang mga target na biktima, tulad halimbawa ng ‘phishing’ o ang mga pagpapadala ng emails na aakalain mong galing sa isang reputable na company na humihingi o nagaabiso sa’yo upang magbigay ng impormasyon o kaya mag-update ng impormasyon tulad halimbawa ng mga bank account information, social media account information at marami pang iba.
Kapag na-amoy na nitong mga hacker ang iyong mga account information, papasukin na nila ang iyong mga internet accounts, tulad halimbawa ng Facebook, at kapag nakontrol na nila ito, lalo na kung may makita ang mga ito na pribadong media, e.g. nude photos, ay gagamitin na nila ito upang perahan pa ang biktima.
Alam nyo, may tinatawag na ‘two-factor authentication’ na ipinapatupad ng halos lahat na, o kaya nakararaming mga internet applications o website na may private account information na nilalagay ang mga users nito. Tulad halimbawa ng Facebook, kung babaguhin mo ang setting ng security features ng Facebook ay may option itong e enable ang 2-factor authentication.
Ang 2-factor authentication ay ganito: Matapos mong mag- login sa Facebook, ay magsesend muna ito ng code sa’yong nakaregister na mobile number, at dapat e type mo rin ung code sa required field sa login. Samakatuwid, kung halimbawa man na nalaman ng hacker ang login o account information mo, di pa rin nya mabubuksan ang account mo kasi nga may pangalawa pa itong authentication.
So ano pang hinihintay mo kabayan? Silipin mo na ang security setting ng iyong Facebook at e enable mo ang two-factor authentication. Note. be sure sa mga options ng iyong setting na gagawin para matiyak na magiging workable ito.